Posibleng hindi makaboto sa darating na election sa 2016 ang higit sa 43,000 na mga botante sa lalawigan ng Bohol dahil hindi pa umano sumasailalm sa biometrics ang mga ito.
Nilinaw ng Provincial Election Supervisor na si Atty. Eliseo Labaria, na hindi makaboboto sa darating na halalan sa 2016 kung hindi pa makakapagpabiometrics ang mga botante. Ito ay kasabay sa inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) na “No Biometrics, No Vote for 2016 Election”.
(Agila Probinsya Correspondent Angie Valmores)