Hindi nagpatinag ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa bumabalot na kontrobersiya ngayon sa naturang relihiyon kung saan ipinakita nila ang kanilang pakikiisa sa pagdalo ng mga ito sa isinagawang Tanging Pagtitipon sa Philippine Arena.
Ang nasabing pagtitipon ay pinanugunahan ni Executive Minister Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.
Pinangasiwaan ni Minister Eduardo Manalo ang naturang okasyon sa Philippine Arena, sa Siudad de Victoria, Bocaue, Bulacan.
Maraming kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang nakasaksi sa nasabing pagtitipon sa mga dako at mga bahay-sambahan sa pamamagitan ng video link. Ang video link na ito ay umabot sa 1, 712 na mga dako hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
(Agila Probinsya Correspondet Ben Salazar)