Mar Roxas, i-eendorso ni Pangulong Aquino bukas bilang LP standard bearer

mar roxas

(Eagle News) — Kumpirmado na ang pag-eendorso ni Pangulong Aquino kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas bilang standard bearer ng Liberal Party (LP) sa halalan sa 2016.

Ayon kay Liberal Party Secretary General Mel Sarmiento, gaganapin ang opisyal na pag-endorso ni Aquino kay Roxas  bukas, July 31, ng 9 a.m.  sa Club Filipino.

Bago ang kaniyang State of the Nation Address nitong Lunes, una nang sinabi ng Pangulo na ia-anunsyo ang kaniyang i-e-endorsong kandidato matapos ang kaniyang huling ulat sa bayan.

Noong 2009, nagpaubaya si Roxas kay Aquino para maging standard bearer ng Liberal Party sa 2010 elections.