AGOSTO 6 (Agila Probinsya) — Hiniling ng Valencia City Disaster Risk Reduction and Management Office sa sangguniang panglungsod na magdeklara na ng state of calamity sa mga barangay na apektado ng malawakang paggawa.
Sa ulat ng Valencia City DRRMC, limang barangay ang apektado ng flash flood sa Valencia dahil na rin sa walang tigil na buhos ng malakas na ulan.
Umakyat naman sa pito ang patay habang dalawa na ang naiulat na nawawala. Umapaw rin umano ang Panlibatuha Creek na nagpalala ng pagbaha sa mga apektadong lugar.
Ang Barangay Poblacion ang pinakamatinding binaha kung saan isang bahay pa ang nasira.