AGOST 17 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ang Health Center ng Barangay Dela Paz, Laguna ng pagbabakuna sa mga sanggol kontra tigdas.
Maaga pa lamang ay halos napuno na ang health center. Ang mga magulang dala ang kanilang mga anak na sanggol upang mapabakunahan.
Ang pagbabakuna ay pinangasiwaan ni Araceli Cantes. Isang registered midwife na siyang head ng Health Center ng Dela Paz. Nagdatingan din ang mga midwife galing Perpetual Help Hospital sa pangunguna ni Dr. Rosalie R. Kolimlim.
Nagtulong tulong ang mga taga-health center at mga registered midwife upang agad na maisaayos ang mga gagamiting gamot at hiringilla na gagamitin sa pagbabakuna.
Sa kabuuan ay umabot ng 61 sanggol ang nababakunahan. Ginagabayan din nila ng pagpatak ng vitamin a sa bibig ng sanggol na may edad na anim na buwan pataas. Ang nasabing pagbabakuna ay bahagi ng proyekto ng Department of Health (DOH).
(Agila Probinsya Correspondents Arnel Aleroso, Willson Palima, Elmer Alava-Mendoza)