AGOSTO 19 (Agila Probinsya) — Pinag-iingat ng Pangasinan Provincial Health Office ang publiko sa lalawigan laban sa mga waterborne diseases.
Ayon kay Dr. Jeremy ‘Ming’ Rosario, assistant Provincial Health Officer, kabilang sa mga waterborne diseases na ito na dapat iwasan ng publiko ay acute gastroenteritis, dengue at leptospirosis.
Ito ay makaraang maitala sa Pangasinan ang mataas na kaso ng mga nabanggit na sakit. Sa acute gastro entiritis ay umabot na sa higit 5,000 ang kaso, dengue na nasa 1,251 at leptospirosis na 40 bagong mga kaso.
Pinayuhan ng PHO ang publiko na maging maingat sa inuming tubig at pagkain upang maiwasan ang gastroenteritis. Dapat din umanong pamalagiin ang kalinisan sa kapaligiran upang maiwasan ang sakit na dengue
At iwasan ang paglusong sa tubig baha lalo na kung may mga sugat sa paa upang maiwasan ang sakit na leptospirosis. Naitala din ang mataas na kaso ng respiratory track infection at hypertension sa lalawigan.
Ayon sa PHO napakahalaga ang pagkain ng tamang diet, palakasin ang resistenya, pamalagiin ang kalinisan sa kapaligiran at pagpapakonsulta sa mga manggagamot.
(Agila Probinsya Correspondent Aida Tabamo)
https://youtu.be/gKHj7Q7NtTo