AGOSTO 21 (Agila Probinsya) — Upang hindi na mahirapan at gumastos ang mga PWD at matatandang botante ng lalawigan ng Capiz ay isinagawa sa Barangay Hall ang pagkuha ng kanilang biometrics.
Ang mga botanteng bedridden naman ay maaring gawan ng kahilingan ng kanilang pamilya o kalapit na kamag-anak upang mapuntahan ng COMELEC sa kanilang bahay at doon ay kuhaan ng biometrics.
Ang aktibidad na ito ay napagkasunduan ng mga Barangay Captains ng nasabing probinsya upang tulungan ang kanilang matatanda at may kapansanan sa kanilang lugar.
(Agila Probinsya Correspondent Nathaniel Flores)