US at Philippine Government joint forces para sa Medical Mission

Isang Health Services Outreach Program ang isinagawa ng Pacific Angel 15-1 sa bayan ng Lila lalawigan ng Bohol.

Ang programang ito ay sinimulan noong ika-17 ng Agosto taong 2015 at sinasabing matatapos ito ngayong araw ng Sabado ika-22 ng Agosto.

Ayon sa Alkalde ng Munisipyo, masasabing isang napakalaking karangalan ito sapagkat ang kanilang bayan ang siyang tanging napili upang handugan ng libreng medical.

Layunin din ng programang ito na panatilihin at patibayin ang maayos at magandang relasyon sa pagitan ng United States at Philippine Government.

(Agila Probinsya Correspondent Lynni Laid)