PANGASINAN, Agosto 25 (Agila Probinsya) — Nagdiwang ang mga batang miyembro ng Philippine Karatedo Federation sa Pangasinan matapos na masungkit ang gintong medalya sa magkakasunod na laban ng mga ito.
Ang pitong medalyang ginto ay mula sa natapos na 2015 Philippine Karatedo Association National Open, walong gold na mula sa Philippine Sports Commission (PSC) Philippinne National Games Luzon Leg, walong ginto na mula sa Batang Pinoy, isang silver at apat na bronze na mula sa Thailand International Open.
Samantala, kasalukuyang naghahanda ang kanyang team para sa Asia Karatedo Championship na gagawin sa susunod na linggo sa Japan.
Hinikayat naman ni Dr. Alejandro Enrico Vazquez, Presidente ng Philippine Karatedo Federation Inc., ang mga kabataan na magsanay sa karate hindi lamang bilang sports kundi magandang paghubog ng values, disiplina at physical fitness.
Ayon pa kay Vasquez, maganda ring kasanayan bilang self-defense laban sa mga masasamang loob ang nasabing sports.
(Agila Probinsya Correspondent Nora Dominguez)