Dahil sa layuning makapag-produce ng organikong mga gulay at prutas, sinimulan na ring itayo ang Greenhouse Facility sa Northern Iloilo Polytechnic State College Batad Campus.
May lawak itong 200 kilometro kwadrado at inaasahang matatapos ang pag-iinstall ng greenhouse sa araw na Biyernes, Agosto 28. Ayon pa sa Project Manager na si Dr. Merlito Orale, na siya ring Chairman ng Agriculture Department ng nasabing koliheyo,
Ilan sa mga gulay na itatanim dito ay cabbage, mustard, broccoli, petsay, coolly flower at iba pang high valued crops na mismong mga residente ng bayan ang makakabenepisyo.
Itinayo ang greenhouse ay upang maproteksyunan ang mga gulay na itatanim dito laban sa pabago-bagong panahon, insekto at mga peste sa pananim.
Ang proyektong ito ay sa pangunguna ng college administration at lokal na gobyerno.
(Agila Probinsya Correpondents Andres Ocampo, Riza Mae Supnet)