Mga pulis sa Aurora nagturo ng Values subject sa mga estudyante

AURORA, Setyembre 9 (Agila Probinsya) — Sinimulan na ang kauna unahang programa ng kapulisan sa Aurora ukol sa pagbabahagi ng values at information campaign sa mga mag-aaral sa sekondarya.

Isasagawa ng Dipaculao-Philippine National Police (PNP) ang nabanggit na pulis project lingo-linggo para sa mga estudyanteng nasa ikatlong taon ng sekondarya sa Mucdol National High School.

Ayon kay Police Superintendent Ferdinand Usita, hepe ng Dipaculao PNP, makatutulong ang naturang programa ng pulis na iiwas ang mga kabataang maligaw ng landas.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng kampanya ng kapulisan ngayong Crime Prevention Month katulad ng Anti-dangerous Drugs Act, Anti- bullying Act at iba pa.

(Agila Probinsya Correspondent Narciso Milar)