Puspusang isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac ang programa ng Department of Health o DOH, na tinawag na High Impact-5, na ang layunin ay maturuan at mapangalagaan ang mga kalusugan ng bawat mamamayang Tarlaqueno.
Ang nasabing programang ito ng DOH ay walang sawang pinangungunahan ng mga health workers sa naturang lalawigan, kaagapay sina Governor Victor Yap at Congresswoman Susan Yap.
Nakapaloob sa high impact 5 ng doh ay mga programang serbisyo sa mamamayan tulad ng mga sumusunod:
- Service delivery network, na ang layunin ay mapalawak pa at mailapit ang serbisyo ng doh sa bawat komunidad.
- Maternal care, pagbibigay kaalaman ukol sa tamang pangangalaga ng katawan at kalusugan ng mga babaeng buntis o nagdadalang-tao, hanggang sa silay makapanganak.
- Infant care, wastong pag-aaruga o pag-aalaga at pagpapalaki ng mga bagong silang na sanggol.
- Child care, tamang pangangalaga sa.kalusugan ng mga bata, tulad ng wastong pagpapakain at mga bitaminang kailangan nila para maiwasan ang pagiging malnourish.
- HIV/Aids, para maipaalam o mabigyan ng tamang impormasyon o kabatiran, lalo na ang mga kabataan na hindi pa mulat ukol sa ganitong uri ng karamdaman at kung paano ito maiiwasan.
(Agila Probinsya Correspondent Aser Bulanadi)