119 enlisted personnel ng Philippine Army, na-promote

Nagsagawa ang 3rd Infantry Battalion ng Downing of Ranks Ceremony para sa 119 na na-promote na enlisted personnel ng Philippine Army noong Setyembre 14 sa Sitio Junior Campo, Sto. Nino Second, San Jose City.

Pinangunahan ni Battalion Commander Lieutenant Colonel Eugenio S. Batara Jr., katuwang sina Battalion Executive Officer Major Juvy S. Taldo, at Battalion Adjutant Captain James L. Jaque ang nasabing aktibidad.

Ang ganitong pagtataas ng ranggo ay nangangahulugan din ng pagdaragdag ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad para masiguro ang kaligtasan ng bansa at ng mga mamamayan.