11 oras na power interruption sa Camarines Sur

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng labing isang oras na power interruption sa ilang bahagi ng Camarines Sur bukas, araw ng Huwebes.

Sa advisroy ng NCGP, ang scheduled power outage ay mula 7 a.m. hanggang 6 p.m.

Ito ay dahil sa may iaayos na linya sa Naga-Concepcion at Naga-Libmanan.

Kasama sa mga maaapektuhan ang mga bayan ng Milaor, Minalabac at mula Del Rosario, Naga hanggang San Jose, Pili.