“Felix Manalo” movie, dinagsa

Hindi lang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang tumatangkilik at nanonood ng “Felix Manalo” movie sa mga sinehan sa bahagi ng Olongapo City.

Sa ika-apat na araw ng pagpapalabas ng pelikulang “Felix Manalo” movie sa mga sinehan ay dinagsa rin ito ng mga non-INC members o mga hindi pa kaanib sa INC.

Ayon sa mga manunuod na hindi pa kaanib sa INC, nais umano nilang magkapagsuri sa aral ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon naman sa mga miyembro ng INC ang pelikulang “Felix Manalo” ay ginawa hindi lamang para sa mga miyembro nito kundi maging sa mga hindi nila kapananampalataya.

(Agila Probinsya Correspondent Bong Macapagal)