MANILA, Oct. 19 — The national government is closely monitoring Typhoon Lando to ensure the safety of those in areas affected by the weather disturbance which has brought heavy rains and strong winds in northern Luzon.
Typhoon (international name: Koppu), has made landfall in Aurora province on Saturday morning and has caused floodings and landslides.
“Nananatiling nakatutok ang buong puwersa ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga mamamayan na naninirahan sa mga lugar na apektado ng Bagyong Lando,” said Communications Secretary Herminio Coloma Jr. in an interview with Radio ng Bayan on Sunday.
The Palace official said local disaster risk reduction and management councils are coordinating with the Department of Social Work and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Energy (DOE), Department of Interior and Local Government (DILG), Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police to provide assistance to residents from Regions 1,2, 3, 4-A, 4-B,5 and the Cordillera Administrative Region.
Coloma said that President Benigno S. Aquino III is also monitoring updates on the typhoon, which the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) said may remain in the country until Tuesday.
The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) was scheduled to have a meeting with various government agencies to assess the situation.
“Nag-mo-monitor po ang ating Pangulo at up-to-date naman po siya dahil sa periodic reporting ng NDRRMC. Lahat naman po ng mga concerned government agency ay nagbibigay ng regular na update sa ating Pangulo at siya rin po ay patuloy na nagmomonitor ng sitwasyon sa pamamagitan ng ating mga Cabinet secretaries,” said Coloma.
“Masinsin pong tinututukan ng Pangulo ang sitwasyon at ito namang NDRRMC ay nagmimiting na sa kasalukuyan. Mayroon din po kasing situation room sa Malacañang Park na pwede rin namang pagdausan ng mga pulong na ito at wala pong pagpapahinga sa bahagi ng ating pambansang pamahalaan sa pangunguna ng Pangulong Aquino sa pagtutok sa sitwasyong kinakaharap natin sa kasalukuyan dahil nga po sa kahalagahan nang ating layunin na zero casualty,” Coloma said.
He said the Department of Science and Technology (DOST) and PAGASA are also monitoring the movement of Typhoon Lando and are coming out with advisories and weather bulletins.
“Patuloy din ang mahigpit na pagmamanman ng DOST at ng PAGASA sa galaw ng bagyo, maging ang paglalabas ng mgaadvisory at weather bulletin na magsisilbing gabay sa mga disaster response and rescue unit. Sa huling ulat na ipinalabas ngNDRRMC, tumama sa lupa o nag-landfall na si ‘Lando’ sa Casiguran, Aurora at nananatiling nakahimpil sa nasabing lugar ang bagyo,” the Palace official further said.
Coloma said there is the concern on the slow movement of the typhoon, which means more rains that could result to landslides.
“Ang pinanggagalingan ng ating concern para doon sa pagkakaroon ng matagal na panahon ng pag-ulan dahil mabagal kaysa sa karaniwan ang galaw nitong bagyo. Ang huling naitala ay three kilometers per hour lamang. At mayroon kasi sa likuran nito na isa pang bagyo, ‘yung ‘Champi,’ na nagpapabagal sa galaw ni ‘Lando’ at mayroon ding ibang high-pressure area na nagpapabagal dito,” he said.
“Sa kasalukuyan habang tayo ay nag-uusap ay mayroong idinaraos na pulong sa Camp Aguinaldo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamumuno ng tagapangulo nito na si Secretary Voltaire Gazmin, at kasama niya doon sina Secretaries Mel Sarmiento ng DILG, Corazon Soliman ng DSWD, at Rogelio Singson ng DPWH. Ang isang binubuno ngayon ay ang problema ng landslides. Maraming landslides sa CAR,” Coloma added.
“At ‘yon namang Project NOAH ng DOST ay patuloy na tinututukan ‘yung kanilang water level monitoring. Mayroon kasi tayong mga water level monitoring equipment sa lahat ng major river systems sa ating bansa katulad ng Magat River, Cagayan River, at San Roque River dito sa mga rehiyon na nabanggit. Tinututukan ito ng DOST-PAGASA doon sa Project NOAH para makapagbigay ng sapat na babala sa ating mga mamamayan na nasa mga apektadong lugar,” he further said.
Coloma also mentioned the close coordination between the local government and the national government.
“Nagkakaroon ng masinsing koordinasyon sa pamamagitan ng mga pamahalaang lokal at pambansang pamahalaan. Ang DILG sa partikular ay mayroong Oplan Listo. Ito ay sinusunod ng mga iba’t ibang LGU natin. Pansinin natin na sa mga bayan at lalawigan ang pinuno ng local DRRMC ay mismong alkalde o mismong barangay chairman at gobernador naman sa larangan ng lalawigan. Kaya talagang nakatutok sila sa sitwasyon,” said Coloma.
“Kaya’t buong puwersa ng pamahalaan ang nakatutok ngayon para tiyakin ang kaligtasan ng ating mga mamamayan at matamo ang ating objective na zero casualty sa mga kalamidad na katulad nito,” Coloma added.
The Palace official likewise advised the public to keep informed on the weather situation.
“Kung maaari lamang ay patuloy nating tutukan ang lahat po ng mga advisory, lalo na po ang mula sa ating mga local disasterrisk reduction unit. Ito po ay nakabatay sa barangay, sa bayan, sa siyudad. Mayroon din pong mga alerts na ipinapadala sa pamamagitan ng social media at ng mga cellphones. ‘Yung atin pong mga field units ng Philippine Information Agency ay nakatutok din sa sitwasyon,” Coloma said.
“Mayroon po silang direktoryo ng mga local community leaders at nagpapadala po sila ng periodic updates sa pamamagitan ngtext messages. Antabayanan lang po natin ang mga updates, manatili po tayong nakatutok sa lahat ng mga weather bulletin, lalo na ‘yung ating mga kababayan na maaaring maapektuhan ng pagbaha dahil nga doon sa pagbagsak ng malaking volume ngrainfall na ating nararanasan sa kasalukuyan,” he added. PND (jm)