Naghain na rin ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II ang SCAN International ng Palawan North, Camarines Sur at Cagayan district kaugnay ng paninirang puri na ginawa ni Menorca sa kanyang ginawang pahayag sa isang TV Station noong Oktubre 28, kung saan sinabi nito na ang SCAN International ay isang private army at death squad umano ng Iglesia Ni Cristo.
Ayon sa mga naghain ng reklamo ang naging pahayag ni Menorca ay isang paninirang puri sa kabuuang kapisanan ng Society of Communicators and Networks o SCAN International.
Nailagay umano sa labis na kahihiyan ang mga miyembro nito na sya ring maaring makapagbigay ng kawalan ng kredibilidad at pagkamuhi ng mga tao sa nasabing grupo.
Matatandaan na nauna ng nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca ang SCAN International Sorsogon at Nueva Ecija Districts.
(Eagle News Service MRFB)
SCAN-Palawan North Chapter, nagsampa rin ng kasong libelo laban kay Menorca
Pormal na naghain na rin ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca ang Society of Communicators and Networks o SCAN International ng Palawan North district noong Martes, Nobyembre 3 sa RTC Branch sa Puerto Princesa Hall of justice sa pangunguna ni Nestor Bolasa, SCAN President ng nasabing distrito.
Ayon kay Bolasa masakit sa kanilang kalooban na tawagin ang kanilang kapisanan na hit squad o mamamatay tao.
(Agila Probinsya Correspondent Ben Salazar, Allan Dave Loprez)
Kasong libelo laban kay Menorca, ikinasa ng SCAN-Camarines Sur Chapter
Naghain din ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II ang mga miyembro ng SCAN International sa Camarines Sur. Ang kaso ay isinampa ni Salvador Banaria Jr. sa Iriga City Prosecutors Office. Si Banaria ay PAngulo ng SCAN International ng Iriga City Chapter. (Agila Probinsya)
SCAN-Cagayan Chapter, kinasuhan din si Menorca
Sa pangunguna naman ni Richard Brito, SCAN Vice President ng Cagayan East Chapter ay nagsampa rin ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II. Ayon kay Brito, malisyoso ang mga paratang ni Menorca laban sa SCAN International dahil nailagay niya ang mga miyembro nito sa labis na kahihiyan.
(Agila Probinsya Correspondent Sunny Liste)