Isang bagong Barangay Chapel ang pinasinayaan sa lalawigan ng Laguna at isa ring gusaling bahay-sambahan naman ang itinayo ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Bool, Leyte. (Eagle News Service Editing by MRFB)
Bagong Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Magdalena, Laguna, pinasinayaan
Pinasinayaan ang bagong Barangay Chapel na matatagpuan sa bayan ng Magdalena, lalawigan ng Laguna. Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ng tagapangasiwa ng Distrito, si Kapatid na Arnel Nacua.
Maaga pa lamang ay sabik ng nagtungo ang mga kaaanib sa INC para masaksihan ang nasabing pagtatalaga sa bagong barangay chapel. Bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan sa mas maayos at bago nilang bahay sambahan. Nangako ang mga kaanib sa dakong ito na aalagaan at papahalagahan nila ang gusaling ito.
Labis din ang kanilang pagpapasalamat sa Panginoong Diyos at sa pamamahala ng Iglesia Ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo sa pagkakaloob sa kanila ng bagong kapilya.(Agila Probinsya Correspondent Glenn Bautista)
Bagong kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa Bool, Leyte, pinasinayaan na
Pinasinayaan din ang bagong gusaling sambahan sa bayan ng Bool, lalawigan ng Leyte. Ang lokal ng Bool ay naitatag noong 1957. Isa ang Bool sa nakaranas ng hagupit ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013 dahilan kaya napinsala ang dako ng kanilang sambahan. Labis ang naging galak ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lokal na ito sapagkat matagal nilang hinintay na magkarroon ng magandang gusaling sabahan.
Ang pagpapasinaya sa bagong gusaling sambahan ay pinangunahan ni Kapatid na Benjamin C. Omelda, Tagapangasiwa ng Distrito ng Leyte. (Agila Probinsya Correspondent Dan Delfin)