Humarap sa piling miyembro ng media lamang ang kampo ni Lottie Hemedez. Seguridad sa isinagawang press conference, binantayan ng mga hinihinalang miyembro ng Magdalo group.
Si Juliet Caranguian sa buong detalye:
(Eagle News) — Pasado ala- una ng hapon nitong Biernes, Enero 15, nang lumabas sa no. 36 Tandang Sora Ave, Quezon City si Lottie Hemedez, guwardiyado ng ilang mga retiradong sundalo na hinihinalang mga miembro ng Magdalo.
Sinundan ng mga media ang sinakyan nilang van hanggang makarating ng Microtel Hotel sa Quezon City.
Pagpasok ng hotel, hindi na pinalapit ang mga media sa pinuntahan ni Hemedez.
Umakyat ang NET 25 news team sa ikalawang palapag. Dito ay hinarang sila ng isang babae.
Ang ibang media, pinayagan. Tanging mga may sticker lang daw ang pinapapapasok sa isang pressconferrence.
Nanatili kami sa isang lugar subalit may nagbabantay na isang lalaking kasamahan ng kampo ni Hemedez.
Dumating ang kanilang abugadong si Atty. Trixie Angeles kasama si Jinky Menorca, asawa ni Lowell Menorca na dating miyembro ng Iglesia Ni Cristo.
Sinikap ng net25 na makuhanan ng pahayag si Angeles sa umanoy limitado at pili lamang ang mga pinapapasok na myembro ng media sa pressconferrence.
Hindi kumikibo si angeles subalit nang makalapit na ang NET 25 sa kuwartong pagdarausan ng presscon ay hinarang na ulit ng mga kalalakihan kasabay ng pagpapasok nila kay Hemedez sa loob ng kuwarto.
Pili lamang umano ang imbitadong miembro ng media. Ang ilang piling media na pinapasok ay ang mga kinatawan ng Rappler,Inquirer at ABS-CBN.
Sa pintuan, guwardyado pa rin ito ng apat na kalalakihan.
Kalaunan ay dumating ang isang lalake pero hindi na pinapasok sa kuwarto. May iniabot lamang sa kaniyang pera na idinaan sa ilalim ng pintuan.
Natapos ang presscon bago mag alas singko ng hapon.
Gwardyado pa rin ng mga kalalakihan si Hemedez kasama ang kaniyang anak.
Matatandaang nitong Huebes, Enero 14, nagsagawa ng press conference ang Iglesia Ni Cristo na sinasabing umabot na sa sukdulan ang paninira at pagsisinungaling ng kampo nina Angel at Lottie, at sasampahan na sila ng ejectment case.