Nahaharap sa patung-patong na kaso ng libel si Lowell Menorca II kaugnay ng kaniyang mapanirang pahayag laban sa grupong Society and Communicators and Networkers o SCAN International.
Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Menorca sa isang panayam ng media na ang SCAN International ay isa umanong ‘hit squad’ o ‘death squad.’
Ang pahayag na ito ni Menorca ay nagdulot ng kahihiyan, pamimintas at panlalait sa mga miyembro ng SCAN.
Dahil sa pangyayaring ito, sunod-sunod na naghain ng kasong libelo ang mga chapter ng SCAN International mula Luzon hanggag Mindanao.
Ang mga SCAN Chapter na nagsampa ng kaso ay ang mga sumusunos ayon sa naitala ng Eagle News Team sa iba’t-ibang probinsya:
- Sorsogon Chapter
- Lanao Del Sur Chapter
- Nueva Ecija North East and South Chapters
- Laguna Chapter
- Quezon Chapter
- Palawan North at South Chapter
- Cagayan South at West Chapters
- Iriga-Chapter
- Maguindanao Chapter
- Masbate Chapter
- Digos City Chapter
- Nueva Viscaya Chapter
- Isabela Chapter
- Leyte Chapter
- Batangas Chapter
- Northern Samar Chapter
- Cebu North Chapter
- Benguet Chapter
- Cavite Chapter
- Laoag Ilocos Norte Chapter
- Cagayan South Chapter
- Kalinga Chapter
- Abra Chapter
- Davao Oriental Chapter
- Agusan Del Norte Chapter
- Mt.Province Chapter
- Ilocos Sur Chapter
- Isabela Chapter
- La Union Chapter
- Benguet Chapter
- Agusan Del Sur Chapter
- Aklan Chapter
- Zambales North and South Chapters
- Oriental Mindoro Chapter
- Quirino Chapter
Unan namang naglabas ng warrant of arrest ang korte sa Marawi kaugnay ng kasong kinakaharap ni Menorca.
Samantala, binigyang diin ng mga miyembro ng SCAN International na namamalagi pa rin ang kanilang ‘commitment’ na tumulong sa mamamayan sa abot ng kanilang makakaya gaya ng isinasaad sa kanilang Slogan na: “Saving Lives is our Priority.” (Agila Probinsya)