Inamin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang katiyakan kung may sapat ng suplay ng kuryente sa Mindanao sa araw mismo ng eleksyon.
Ayon sa spokesperson ng NGCP na si Cynthia Perez-Alabanza, maliban sa mga binombang tore ng NGCP, nanganganib ring masira ang ilang linya ng kuryente dahil sa tumutubong kahoy sa ilalim nito.
Aniya, posibleng lalala pa ang kakulangan ng suplay ng kuryente kung hindi naputol ang mga ito sa ilalim ng kable dahil sumasagi ang mga kahoy sa daloy ng kuryente papunta sa consumers.
Tumanggi ang mga may-ari ng lupa sa panawagan ng NGCP na putulin ang mga puno na nakaharang sa kable ng kuryente. Kaya nananawagan si Alabanza kay Pangulong Benigno S. Aquino III na mamagitan na sa usapin.