Panukalang eco-farming sa Oriental Mindoro, patuloy na isinusulong ng pamunuan ng distrito ng Oriental Mindoro.
Isinagawa ang pagpupulong sa sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Mansalay. Sa pagitan ng pamunuan ng Iglesia na pinangunahan ng Tagapangasiwa ng Distrito ,Kapatid na Norberto R. Fabalena at ng mga kababayan natin partikular na ang mga katutubong Mangyan.
Inihain ng pamunuan ng Iglesia sa mga residente ng bayan ng Mansalay ang gagawing pagbubukas ng proyekto ukol sa eco-farming . Mula sa lupang pagmamay-ari ni kapatid na Gerry Lomio na may kabuuang 20,000 ektarya ay nagkakaloob sa Iglesia ng 1,000 ektarya na kung saan itatayo ang proyektong eco-farming.
Binanggit din ng pamunuan ng Iglesia ang malaking maitutulong nito para sa mga residente doon. Dahil makapagbibigay ito ng sapat hanapbuhay sa mga kapatid at hindi kapatid sa nasabing bayan.
Laking pasasalamat naman at mabilis na sinang-ayunan ng mga tagaroon ang nasabing panukalang proyeto.
Samantala, isinagawa din sa bayan ng Puerto Galera ang “Welcome Kapatid Ko” at pamamahagi ng lingap mula sa lokal, para sa mga kapatid nating katutubong Mangyan.
(Agila Probinsya Correspondent Jun De Alca, Randy Diamse, Putch Delica)