By Zen Lineses
(Eagle News Service)
OCCIDENTAL MINDORO, Philippines (Eagle News) — Muling nanalasa ang hanging amihan na nagdulot ng sand storm sa Barangay Lagnas Sablayan, lalawigan ng Occidental Mindoro. Halos lahat ng naninirahan sa nasabing barangay ay naapektuhan nito dahil sa dami ng alikabok na halos bumalot sa mga kabahayan.
Bukod pa dito, naging sanhi din ito ng sipon at pag-ubo sa mga naninirahan dito.
Sa taong ito ay tatlong beses nang naranasan ang ganito sa nasabing barangay.
Taun-taon kapag sumasapit ang buwan ng Enero hanggang Marso ay nararanasan ang malakas na amihan na may kasamang sand storm sa lugar na ito.