Election campaign, nagsimula na

MANILA, Philippines — Nagsimula na kahapon, Pebrero 10 ang “national campaign” para sa mga tumatakbong Presidente, Bise-Presidente, Senador at Partylist.

Isinagawa ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas at running mate Leni Robredo ang kanilang kampanya sa Roxas City, Capiz at sa Freedom Grandstand sa Iloilo ngayong gabi.

Sa Batac, Ilocos Norte naman inilunsad ang kampanya nina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Bongbong Marcos.

Ang tambalang Senator Grace Poe – Senator Chiz Ezcudero ng Partido Galing at Puso ay sa Plaza Miranda sa Maynila nangampanya.

Ang kick-off rally naman nina Vice-President Jejomar Binay – Senator Gringo Honasan ay sa Mandaluyong City. Habang sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano ay sa tundo ginawa ang kampanya.

Kasabay ng pagsisimula ng national campaign period ay ang paglulungsad din ng MMDA ng kanilang “Oplan Baklas” laban sa mga illegal campaign poster.