PASAY City, Philippines (Eagle News) — Ipinagmalaki ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang tinatawag na bottom-up budgeting ng kanyang administrasyon.
Ginawa ito ni Pangulong Aquino kasabay ng national forum on buttom-up budgeting sa PICC sa Pasay City kaharap ang mga barangay official ng bansa.
Sa ilalim ng “bottom-up budgeting program” kalahok sa pagbabalangkas ng national budget ang nasa higit isang libo at limandaang (1,590) lokal na pamahalaan sa bansa.
Ibig sabihin, kung ano ang kailangan ng komunidad ay sila na mismo ang magdidisenyo ng inisyatiba para paglaanan ng pondo ng pamahalaan.
Sinabi ni Pangulong Aquino na napatunayan na itong epektibo dahil nagagamit sa tama ang mga inilalaang pondo sa mga proyekto.