Lacierda, tinawag na eksperto sa korapsyon si VP Binay

Tinawag na eksperto sa korapsyon ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda si Vice President Jejomar Binay.

Tugon ito ni Lacierda sa patutsada ng kampo ng United Nationalist Alliance (UNA) na hindi dapat tawaging bottom-up budgeting kundi bribe your barangay ang paglalaan ng mas malaking pondo sa mga maliliit na komunidad na ikinakampanya ngayon ni liberal party standard-bearer Mar Roxas.

Ayon kay Lacierda, dapat gawin ang mga sinasabi ni Binay lalo’t nahaharap ito sa mga alegasyon ng korapsyon.