US-ASEAN Summit sa California, nagsimula na

Nagsimula na ang dalawang araw na special ASEAN – US Summit sa Sunnylands estate sa California.

Kabilang sa mga tinatalakay sa unang araw ng pulong ang promosyon ng makabagong Entrepreneurial Asian Economic Community.

Susundan ito ng working dinner na ang pag-uusapan ay ang regional strategic outlook.

Mismong si US President Barack Obama ang sumalubong sa pagdating sa Sunnylands ni Pangulong Aquino.

Inihatid pa ni Obama ang Pangulo sa lugar na pinagdarausan ng pulong bago ito bumalik sa pagsalubong sa iba pang mga pinuno ng ASEAN.

Ito na ang huling ASEAN Summit na dadaluhan ni Pangulong Aquino bago matapos ang kanyang termino.