Poe, hindi sikretong kandidato ni PNoy – Malacañang

Mariing pinabulaanan ng malakanyang ang usap-usapan na sikretong kandidato ni Pangulong Aquino sa May 9 presidential elections, si Sen. Grace Poe.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang pagpapalutang ng mga kandidatong mamanukin ng Pangulo ay kahayagan lamang na malakas ang endorsement power ni PNoy.

Aniya, iisa lang ang pambato ng Daang Matuwid team at ito ay si dating Sec. Mar Roxas.

Inihayag ni Lacierda na kita naman ng publiko kung papaano ikinakampanya ng Pangulo si Roxas.