ALBAY, Philippines — Sisimulan na ngayong linggo ang malawakang bakuna sa daan-daang manok sa tatlong lungsod at limang bayan sa albay na apektado na ng Avian pest o mas kilala sa tawag na Rabia.
Ngayong araw, magtitipon-tipon ang mga Veterinary Technicians’ mula sa mga apektadong lugar upang pag-usapan ang iba pang mga counter-measures para hindi na kumalat pa ang avian pest.
Ayon kay Provincial Veterinary Service Office (PVSO) Chief Dr. Florencio Adonay, , iko-consolidate nila ang lahat ng bilang ng mga naapektuhan nang mga backyard farms para sa inventory at pagbili ng vaccine supply.
Binigyang-diin naman ng opisyal na wala pang outbreak ng peste kundi pinaghahandaan lang nila ang posibilidad na lumala ang sitwasyon.
https://youtu.be/IDbF6zpMMpU