MANILA, Philippines — Kaugnay ng selebrasyon ng National Arts Month, matagumpay ang opening ng isinagawang 3rd Singkuwento International Film Festival Manila Philippines na naganap sa Leandro Locsin Theater, NCCA na kinatatampukan ng opening film nito na “Laut” directed by Direk Louie Ignacio at ito na din ang naging world premiere nito.
Bukod kay Direk Louie present din ang mga cast nito na Sina Barbie Forteza, Gabbi Garcia, Jak Roberto, Ana Capri, Ronwaldo Martin at Felexia Dizon. Ito ay mula pa din sa BG Production International.
Ang “Laut” ay istorya ng buhay at pamumuhay ng mga kababayan nating sama d’laut o mas kilala ng marami sa tawag sa kanilang “Badjao”.
Aniya sa mga cast nito, madami silang naunawaan at realization habang nagsho-shoot sila ng pelikula sa area mismo ng mga badjao sa mabalacat, pampanga at nakita nila ang kalagayan nila.
Ayon din kay Barbie, actual at totoo ang halos lahat ng mga ginawa nila sa pelikula. At nag-aral talaga sila ng lengwahe ng mga badjao.
Bukod dito, sa mismong opening ng festival, nakakuha din ng dalawang pagkilala ang producer ng pelikula na si Ms. Baby Go para sa mga pelikula niyang “Laut” at “Sekyu” kung saang bida naman dito si Allen Dizon.
Nagpapasalamat naman ang mga artista ng “Laut” dahil isa na namang matagumpay na advocacy film ang kanilang nagawa.
Ang “Laut” din ay napabilag din upang magcompete sa main section ng 38th Oporto International in Portugal na gaganapin mula Pebrero 26 hanggang Marso 5.