DAHIL sa mababang suplay ng isda, nagbabala ngayon ang Philippine Exporters Confederation sa posibilidad ng pagbabawas ng mga trabahador sa fishing at marine manufacturing industry sa Region 12.
Karamihan sa mga kumpanya sa rehiyon ay nagbawas na umano ng mga empleyado at nagpapatupad na rin ng rotation schedules.
Apila ng mga exporter na sana ay mabigyan daw sila ng fund assistance para matugunan ang problema.
Nabatid na sa kasalukuya, nasa humigit kumulang tatlong daang libo ang nagta-trabaho sa fishing at marine manufacturing industry sa rehiyon.