Pansamantala nang isinara ng pamunuan ng isang catering service ang kanilang negosyo matapos ang nangyaring food poisoning sa Jose Panganiban, CamarinesNorte.
Nabatid na umakyat sa mahigit na tatlong daan ang naging biktima sa nasabing food poisoning.
Matatandaan na sa ginawang pagtitipon ng mahigit dalawang libong bata noong linggo na inisponsoran ng isang pribadong grupo, ilan sa mga umalo ay nakaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagtatae matapos umanong kumain ng burger, hotdog at puto flan.
Sa ngayon, inoobserbahan pa rin ang ilang bata sa ospital habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon.