COMELEC, mapipilitang magrekomenda ng pagpapaliban ng halalan sa Mayo

Hindi rin maiiwasan na mapilitan ang COMELEC na irekomenda ang pagpapaliban sa eleksyon at pagtatakda ng bagong petsa ng halalan bago ang Hunyo a-trenta.
Sinabi pa sa resolusyon na walang batas na nag-uutos sa mga botante na ihulog sa ballot box ang resibo dahil sa ang balota na mismo ang pinaka-mainam na lumalarawan sa interes ng botante at katibayan ng audit trail.
Kaya napagpasyahan ng Comelec en banc na maghain ng motion for reconsideration kasama na ang hiling na demonstrasyon ng vote counting machines sa harap ng mga mahistrado ng korte suprema.
Bukod rito, napagkasunduan ang paglalatag ng mga preparasyon para sa implementasyon ng voter’s receipt.
Kabilang na rito ang pagbabago sa trusted build ng VCM, procurement ng mga gamit, at pagsasagawa ng malawakang information campaign ukol sa paraan ng pagboto at pag-imprenta ng resibo.

Higit sa lahat, inirekomenda ng comelec ang contingency measure para sa project of precincts na may cluster na apat na raang botante kada presinto sa oras na mauwi sa manu-manong halalan sa Mayo.

https://www.youtube.com/watch?v=KOUkp13b2oE