Medical Technologist Licensure Exam passers, inanunsyo na ng PRC

(Eagle News) — Inanunsyo na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang 2,046 na mga pumasa sa Medical Technologist Licensure Examination mula sa 2,596 na kumuha ng naturang eksaminasyong isinagawa nitong Marso ng kasalukuyang taon.

Una sa listahan ng mga may pinakamataas na score si Jhamaica Emmyrose Ferrer Aboy ng Centro Escolar University na nakakuha ng 90.60; sinundan naman siya ni Marc Jay Gagarin Lakay ng Lorma College na may score na 90.20 habang pumangatlo naman si John Jeron Buenaventura Datoy ng Adventist University of the Philippines na nakakuha ng score na 90.00.

Ayon naman sa PRC, online ang isasagawang pagpaparehistro para sa issuance ng Professional Identification Card at Certificate of Registration mula Marso 28, 2016.

Samantala, ayon din sa PRC, bagaman hindi nakapasa, maaari pa rin anilang magparehistro bilang Medical Laboratory Technician ang mga nakakuha ng 70% na general rating sa naturang eksaminasyon.