Dry Season, opisyal nang nagsimula – PAGASA

Screen shot 2016-03-18 at 8.15.43 PM
Dry Season 2016

(Eagle News) — Inanunsyo na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagsisimula ng Dry Season bago matapos ang araw na ito, Marso 18.

Ayon sa PAGASA, sa kabila ng naranasang napakainit na panahon sa pagsisimula pa lamang ng buwan, ngayon pa lamang opisyal na naideklara ang Dry Season dahil sa pag-iral ng Amihan noong mga nagdaang linggo.

Samantala, dagdag pa ng naturang ahensya, lalo pang iinit ang panahon at magiging tuyo sa mga susunod na linggo habang inaasahan naman ang humid na panahon sa Mayo.