(Eagle News) — Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng ma-disqualify at makulong pa ang mga kandidatong mangangampanya mula bukas, Marso 24 hanggang Biyernes, Marso 25.
Panawagan ng ahensya: dapat isaalang-alang ang karapatang panrelihiyon. Hindi anila dapat magkaroon ng anumang political activity kahit na ang simpleng pagkakabit lang ng campaign posters.
Kaugnay nito, hinikayat din ng Comelec ang taumbayan na agad i-report sa kanila sakaling may pulitikong lalabag sa nabanggit na kabawalan.