Kailangan sa COMELEC ng ‘Ice Tea’ attitude’ Chairman Bautista

QUEZON City, Philipppines — Inamin ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista na habang abala sila sa election preparations na may malaking hamon din mismo sa pagpapatakbo ng ahensya.

Ito umano ay acronym mula sa “Identify” para sa pagtukoy ng problema; “Consult” para sa pag-alam ng magiging hakbang sa suliranin; “Engage” para sa involvement; “Transparent” para manatili ang tiwala; Efficient” para makamit ang mabuting minimithi; at pagiging “Accountable” sa anumang mga gawain.

Para kay Bautista, hindi lang ang pagpapatakbo ng halalan ang trabaho ng poll body, kundi maging ang pagtitiyak na palaging nasa konsiderasyon ang kapakanan ng taumbayan.

Bagama’t aminado ang COMELEC head na kung minsan ay nakukulitan na siya sa media, sinisikap umano niyang masagot ang mga tanong dahil ito rin ang concern ng mga mamamayan.