Labis labis ang pasasalamat ni Direk Carlo Cuevas sa cast and crew maging sa production team ng kanilang short film na “Walang Take Two” ng INCinema.
Pinasalamatan din ni Direk Carlo Cuevas si Kapatid na Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo sa suporta ng at sa pagkakataong ibinigay sa kanila na makabahagi sa naturang pelikula.
Si Direk Carlo ay nagwagi bilang best Director in foreign language film sa katatapos na 2016 London’s International Filmmaker Festival nitong nakaraang biyernes Feb. 26, 2016.
Mahigit sa limangdaang short film sa buong mundo ang lumahok sa naturang patimpalak sa London noong nakarang taon kabilang na ang pelikulang “Walang Take Two”.
Ayon naman sa mga organizers ng London’s International Filmmaker Festival of world cinema, Disyembre nang nakaraang taon ay ini-anounced nila na ang pelikulang “Walang Take Two” ay nominado para sa dalawang category, ito ay ang Best Comedy at Best Director in foreign language film.
Umani naman ng paghanga ang mga nanood sa pre-screening ng “walang take two” sa isang hotel sa London at ang iba ay nagsabing dapat aniya na suportahan ang ganitong uri ng short film na nagtataguyod ang values at mga magagandang kaugalian.
(Jet Hilario, Eagle News Correspondent)