Tinatayang nasa isang daang volunteers ang aakyat sa Mt. Kanlaon para apulahin ang lumalawak na bushfire sa bulkan. Nangangamba ang mga awtoridad na kung hindi ito maapula ay kumalat ito sa kagubatan.
Sa kasalukuyan, nakataas sa alert level 1 ang sitwasyon sa Mt. Kanlaon matapos itong magkaroon ng ash erruption.
Nabatid na nagbunga ng bush fires ang ash erruption na may kasamang nagbabagang bato sa bulkan. Tuyo na kasi ang mga damo sa paligid ng bulkan kasunod na rin ng nararanasang El Niño phenomenon.
Samantala, kinumpirma ng PHIVOLCS na humina ang aktibidad ng bulkan kung saan mula sa 1.5 kilometers na taas ng abo at usok na ibinibuga noong nakaraang gabi, sa ngayon ay umaabot na lamang ito sa 200 hanggang 500 meters ang taas.