(Eagle News) — Pito pang probinsya sa bansa ang isinailalim sa state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil sa El Niño phenomenon.
Kinabibilangan ito ng Isabela, Quirino, Bukidnon, Davao Del Sur, Cotabato, Maguindanao at Basilan.
Pinag-aaralan na rin ang pagdedeklara ng state of calamity sa bayan ng Paquibato sa Davao City.
Tinatayang nasa 800 ektarya na ng sakahan sa Paquibato district ang apektado ng matinding tagtuyot.