(Eagle News) — Muling nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na pinal na ang kanilang desisyon hinggil sa oras ng pagboto sa darating na Mayo 9.
Ayon sa ahensya, magsisimula ang pagboto sa ganap na 6:00 ng umaga at magtatapos ng 5:00 ng hapon, mas maaga at mas mahaba ng isang oras kung ihahambing sa dating voting hours na mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Kasunod ito ng utos ng Korte Suprema na mag-isyu ng voter’s receipt na inaasahang gugugol ng mas mahabang oras.
Kaugnay nito, pinaaga na rin ng Comelec ang call time para sa mga maglilingkod sa eleksyon habang bubuksan naman ang mga vote counting machines (VCM) bago ang ikalima ng madaling araw sa harap ng mga watcher.