Pampasaherong jeep nahulog sa bangin, 1 patay, 27 sugatan

Screen shot 2016-04-15 at 10.45.00 AM
Photo courtesy by Cheerwin Bautista

ISA ang patay, 72 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep na kulay yellow-green na may plate number na DXE 592 sa Barangay Amuyong, Mabitac, Laguna.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Mabitac PNP, habang binabagtas ng isang pampasaherong jeep na minamaneho ni Alfredo De Las Alas  ang Manila East road mula sa barangay San Miguel patungong barangay Paagahan ng nasabing bayan, nang marating nila ang paliko -likong daan at kurbang bahagi nito ay nawalan ng control sa manibela ang driver at tuluy-tuloy na nahulog sa bangin na may lalim na 100 metro.

Agad namang sumaklolo ang mga residente na malapit sa lugar at isinugod sa pinaka-malapit na pagamutan ang mga sugatang biktima.

 

Dead on arrival naman si Ceferino Gragera,

Samantala sugatan naman sina:

Roda  Jara, Noel Lipio, Lenchie Perez, Fatima Macairog, Colyn Macairog, Mark Granadel, Florence Buensoceso, Angelica  Perez, Josua Gapac, Jermanie Villamor, Christian Tungque, Archilles Anorico, Ryan Gapac, Marvin  Lipio, John Raymond  Cebrero, Tenten Villa Luz, Angelo Villa Luz, Jerico Villa Luz, Rizaldy Vucalan, Richard Vucalan, Noriael Piñones, Regine Cario,  Joselito Evangelista, Remgo  Cebrero, Shelo Cordero, Vincent Albert Garcia, at  Jesie Majada.

Napag-alaman din na nagawa pang tumalon ng driver bago pa mahulog ang sasakyan at tuluyang tumakas. Subalit, makalipas lamang ang ilang oras boluntaryo namang sumuko ang driver sa Mabitac Police Station  na iniskortan ng isang konsehal ng sta. Maria, Laguna na si Jayson Cuento.

Ayon kay Delas Alas, saglit na napapikit daw siya sa sobrang antok kaya di niya namalayan, na wala na sa linya ang kaniyang minamaneho at ng tumama ito sa gilid ng kalsada ay hindi na niya na control ang sasakyan kaya tuluy-tuloy na itong nahulog sa bangin.

Nahaharap ngayon ang driver ng pampasaherong jeep sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries.

(Eagle News Laguna Correspondent, Cheerwin Bautista)