DUMALO ang 300 daang mga guro mula sa ibat-ibang paaralan sa lalawigan ng Laguna para sa isang seminar hinggil sa K12. Ito ay ginanap sa Trace Computer College Eldanda Street Los Baños, Laguna. Tinawag na K-to-12 o kinder patungong dalawampung taong basikong edukasyon.
Layunin nito ay upang maging “Globalisado” ang buong kapuluan. Ang programang ito ay ipinatutupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon upang tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kundi maging sa buong mundo.
Ang mga guro naman ay nagpakita ng interes sa kanilang mga isinagawang aktibidad na nakapaloob sa nasabing seminar, ang bawat araw ng kanilang pagsasanay ay naging kawili-wili sapagkat ito ay kinasasangkutan ng kanilang mga natatagong abilidad na nakatulong upang maisakatuparan ang nilalayon at upang maihanda ang mga mag-aaral sa globalisadong pag-aaral.
Ang K12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga magaaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo.
(Eagle News Laguna Correspondent, Melanie Oguan)