PNP-Tarlac binigyan ng 6 service vehicles

 

(Eagle News) — Tumanggap ng anim na service vehicles ang Philippine National Police mula sa pamahalaang panglungsod ng Tarlac.

Pinangunahan ni Police Superintendent Bayani Razalan ang pagtanggap sa mga sasakyan.

Ayon kay Razalan, malaking tulong umano sa kanilang hanay ang ibinigay na sasakyan upang mas madaling matugis ang mga kriminal.

Ayon naman kay Ace Manalang, alkalde ng syudad, nais umano nilang mapanatili ang katahimihan sa syudad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa otoridad.

Pinuri rin ng alkalde ang kasalukuyang hepe ng syudad sa kanyang kasipagan at kahusayan sa pagsugpo ng ibat-ibang krimen.

Maliban sa anim na motorsiklo, nakatanggap naman ng award ang Tarlac City PNP womens’ division bilang champion sa isinagawang palaro ng Tarlac City.

Samantala, ginunita ang 18 taong pagkakakatatag ng lungsod ng Tarlac. Tampok sa nasabing aktibidad ang mega variety show, sports competition at pamamahagi ng pamahalaang syudad ng mga wheelchair at eye glass sa mga residente. Nagkaloob din ng mga tropeo at cash sa mga nagwagi sa bawat paligsahan.

Screen shot 2016-04-19 at 9.56.06 AM
Photo courtesy by: Aida Tabamo

Ipinagmalaki naman ni Tarlac City mayor Ace Manalang, na noong maitatag ang lungsod noong 1998 ay ito rin ang kasalukuyang alkalde ng syudad.

Umaasa naman ang alkalde na ipagpapatuloy ng mga mananalong kandidato sa darating na mayo ang pag-unlad ng syudad ng Tarlac.

 

(Eagle News Tarlac Correspondent, Aida Tabamo)