Sa pangunguna ng mga ministro, nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo sa distrito ng Metro Manila South ng programang pangkalusugan na tinawag na Heart Care Seminar.
Ito’y isinagawa sa Taguig City University Auditorium noong Abril 16.
Sa pamamagitan nina Dra. Esther Saguil at Dra. Ruby Andoque, naibahagi nila ang mga kaalaman tungkol sa common heart diseases at ang prevention nito sa pamamagitan ng healthy diet.
Bahagi rin ng nasabing programa ang pagkakaroon ng libreng serbisyong medikal gaya ng BMI, blood sugar count, ECG at iba pa.
Nakatulong ang naturang aktibidad upang makapag-ingat ang bawat isa at maiwasan ang karamdamang may kinalaman sa puso.
Nakapagbibigay din ito ng karagdagang kaalaman upang maingatan ang kalusugan.
Ngunit higit dito ay tinuruan ang mga benepisyaryo na humingi ng tulong at maglagak ng pagtitiwala sa Panginoong Diyos.