Bakuna kontra-rabies, isinagawa sa Cavite

BILANG bahagi pa rin ng programa ng gobyerno na maging rabies free ang Pilipinas sa taong 2020, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng libreng bakuna kontra-rabies sa General Mariano Alvarez sa lalawigan ng Cavite.

Ito ay pinangunahan ni Kapitan Francisco Gealogo at ni Kagawad Erlinda Sabio na siyang nakatalaga bilang chairman ng Health and Sanitation sa nasabing barangay.

Tinatayang mahigit 300 na aso ang target na mabakunahan upang makasiguro na mapangalagaan ang taumbayan sa mga aso na maaring maka- kagat sa kanila at maalis ang pangamba nila tungkol sa rabies.

(Eagle News, Myk Amarante)