(Eagle news) — Isinailalim na sa stress debriefing at medical check-up ang limang pulis na kinumpirma ng Davao City Police Office (DCPO) na pinalaya na matapos dukutin ng New People’s Army (NPA) sa Davao City noong Abril 16.
Kinilala ang mga pulis na sina PC/Insp. Leonardo Tarongoy, PO3 Rosenie Cabuenas, PO3 Rudolph Pacete, PO3 Abdul Aziz Ali at PO2 Neil Arellano na pinakawalan sa Paquibato district, pasado 4:00 ng hapon kahapon.
Ayon kay DCPO spokesperson Chief Inspector Milgrace Driz, ligtas ang nabanggit na mga pulis na aniya’y si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang sumundo mula sa kampo ng NPA.
Kaugnay nito, kinondena ng Police Regional Office – Region 11 ang ginawang pagdukot ng mga rebelde.