DOH, iniimbestigahan na ang pinanggalingan ng Norovirus

Zamboanga City, Philippines (Eagle News) — Nagpadala na ng epidemiologist ang Department of Health sa Zamboanga City para imbestigahan ang posibleng pinanggalingan ng Norovirus.

Nagpadala na rin ang DOH ng mga gamot gaya ng IV fluids at oresol sa mga ospital at health center sa nasabing lugar.

Apat na ang naiulat na nasawi dahil sa virus na sinasabing pinalala ng nararanasang El Niño phenomenon.

Ilan sa sintomas ng virus ay diarrhea, pagsusuka at lagnat.