MISAMIS Oriental (Eagle News) — Nagdeklara na ang Misamis Oriental ng state of calamity dulot ng matinding epekto ng El Niño dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura at matinding tagtuyot bunga ng kakaunting mga pag-ulan sa nasabing lalawigan.
Isa sa epekto nito ay ang pagbibitak ng mga lupa na nagresulta sa pagkasira ng kanilang mga pananim, at pagka-tuyo ng ilang mga ilog sa dahilan upang hindi na makapagtanim.
Marami sa mga magsasaka ngayon sa ang nababahala dahil apektado na ang kanilang hanap-buhay at ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Maging ang mga residente ng Misamis Oriental ay nababahala na rin dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain at tubig.