Tone-toneladang recyclables at hazardous wastes ang tinipon sa isang parking lot ng CDC Corporate office, Clark, Pampanga, kaaugnay ng pagdiriwang ng World Earth Day.
Ang mga recyclables at hazardous waste ay kinabilangan ng mga plastic materials, papel, cartons, busted lamps and bulbs, ink-cartridges, computer accessories, used oil, old machinery at iba pa na dinala dito ng mga locators at investors ng Clark Freeport.
Pinangunahan ng Clark Development Corporation (CDC), DENR Environmental Management Bureau R-III (DENR-EB-III) at Environmental Practitioners Association (EPA) ang pagsagawa ng event at pakipagtulungan ng isang media network.
Ang mga recyclables ay ginagamit na raw materials sa pagawa ng mga bagong produkto at ang mga hazardous wastes ay itatapon sa mga wastong taponan o lugar para maiwasan ang contaminasyon na maaring magmumula sa mga ito.
Ang recycling ay mabuti para sa kalikasan o environment dahil mababawasan ang mga basura o garbage na tinatapon sa mga landfills at mababawasan ang pagkalat ng sakit, air at water polution na dala ng sobrang basura.
Ang recycling ng mga bagay na yari sa plastik, used oil, asphalt at iba pa ay makakabawas sa dami ng inaangkat na crude oil o langis ng bansa na ginagamit sa pagawa ng mga orihinal na produkto o bagay.
Ang pagrecycle ng papel, carton, napkins, diaphers, at iba pa ay makakabawas ng pagputol ng mga punong kahoy na gagamitin sa pagawa ng mga ito at makakabawas din ng carbon emission sa atmosphere.
Ang pagrecycle ng mga recyclables ay nakakalikha ng trabaho para sa mga mahihirap na mamayan at walang pinagkikitaan.